Drug-related killings, peace talks, naging sentro ng UP Oblation Run
Sentro ng Oblation Run ngayong taon ng Alpha Phi Omega (APO) fraternity sa University of the Philippines ang panawagan wakasan ang drug-related killings at ang muling buhayin ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at komunistang grupo.
Sa statement, sinabi ng grupo na nakababahala ang “climate of fear and death” na umiiral ngayon sa bansa dahil sa madugong crackdown ng pamahalaan sa ilegal ng droga.
Ayon sa mga miyembro ng APO, dapat ay magkaroon ng community-based approach sa war on drugs at dapat tiyakin ng gobyerno na matututukan ang rehabilitasyon sa mga mahuhuling gumagamit ng ilegal na droga.
Ikinabahala din ng grupo ang pagkansela sa peace negotiations sa CPP-NPA-NDF.
Apela ng grupo, dapat muling umupo sa negotiating table ang magkabilang panig at ituloy ang usapang pangkapayaan.
Kabilang din sa tinalakay sa Oblation Run ngayong taon ang panawagan para sa mabilis na rehabilitasyon sa Marawi City matapos ang 5 buwang giyera doon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.