Pagbili ng DOH sa dengue vaccines, pinaiimestigahan sa Senado

By Len Montaño December 01, 2017 - 02:30 PM

Radyo Inquirer file photo | Wilmor Abejero

Dapat imbestigahan ng senate blue ribbon at health committees ang ginawang pagbili ng Department of Health (DOH) ng bakuna sa dengue na Dengvaxia.

Pahayag ito ni Senator JV Ejercito kasunod ng anunsyo ng manufacturer ng vaccine na pwede itong magresulta sa matinding sakit kapag naibigay sa mga hindi pa nagkasakit ng dengue bago ang bakuna.

Ayon kay Ejercito, dapat na blue ribbon committee ang pangunahing komite na mag-imbestiga at secondary ang committee on health dahil ito ay ukol sa aniya’y kurapsyon at accountability.

Reaksyon ito ng senador sa pahayag ng health reform advocate na si Dr. Tony Leachon na dapat maalerto ang gobyerno dahil sa ginastos na P3.5 billion para sa bakuna.

Bago nito ay sinabi ng pharmaceutical company na Sanofi na ligtas at epektibo lang ang dengue vaccine na Dengvaxia para sa mga taong tinamaan ng sakit bago nabakunahan.

Sinabi ng kumpanya na batay sa anim na taong clinical data, sinuri ang pangmatagalang kaligtasan at pagiging epektibo ng bakuna sa mga nagka-dengue na.

Pero para sa mga hinid pa nagkasakit ng dengue, lumabas sa pagsusuri na sa pangmatagalan ay mas maraming kaso ng malalang karamdaman ang mangyayari matapos mabakunahan ng Dengvaxia.

 

 

 

 

 

TAGS: Dengue, Dengue Vaccine, Dengvaxia, department of health, Dengue, Dengue Vaccine, Dengvaxia, department of health

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.