Lider ng Muslim countries, kinonsulta ni Pangulong Duterte bago dinikdik ang Maute group sa Marawi
Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinausap muna niya ang ilang heads of state sa mga Muslim countries bago tuluyang pinulbos ang teroristang Maute group na nagtago sa mga mosque at shrine sa Marawi City.
Ayon sa pangulo, ayaw niya kasing magalit ang Muslim leaders kapag binomba ang mga mosque.
Bukod dito, sinabi ng pangulo na kinailangan din na isaalang-alang ang dalawang milyong overseas Filipino workers na nagtatrabaho sa middle East sa pangambang sila Ang balikan Ng mga muslim kapag sinira Ang mga mosque.
Ayon sa pangulo, dahil sa masinsinang pakikipag-usap sa Muslim world leaders, naintindihan naman ng mga ito na kapag hindi binomba ang mga mosque ay magpapatuloy lamang ang pagdanak pa ng dugo.
“To the last minute, I cannot mention their names, but I called the heads of state at sinabi ko the military is asking me now, “What now?” Because there are still the remnants inside buildings and the only way to get them out is really to assault the buildings,” ayon sa pangulo
Matatandaang ang mga mosque sa Marawi City ang nagsilbing kanlungan ng mga terorista at doon itinago ang mga bihag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.