AFP nanindigang lehitimo ang operasyon sa Nasugbu na ikinasawi ng mga miyembro ng NPA

By Cyrille Cupino December 01, 2017 - 12:33 PM

Kinontra ng Armed Forces of the Philippines ang pahayag ni Communist Party of the Philippines founder Joma Sison na tila ‘Tokhang’ ang style na nangyari sa madugong engkwentro sa Nasugbu, Batangas na ikinasawi ng 15 miyembro ng New People’s Army.

Ayon kay Brig. Gen. Arnulfo Marcelo Burgos, commander ng 202nd Infantry Brigade ng Philippine Army, propaganda lamang ni Sison ang kanyang naging pahayag kontra-militar.

Sinabi ni Burgos, layon lamang ng pahayag ni Sison na isalba ang kanyang sarili, at ang gumuguhong suporta sa kaniya ng mga rebeldeng grupo partikular na sa area ng CALABARZON.

Paliwanag ni Burgos, iginagalang ng militar ang karapatang-pantao ng mga rebelde, at patunay nito ay ang pagdala nila sa ospital sa mga nasugatang miyembro ng NPA.

Nanindigan rin si Burgos na lehitimong operasyon ang naganap sa Nasugbu, at patunay nito ang sangkatutak na armas at mga subersibong dokumento na nakuha sa kamay ng mga napatay miyembro ng komunistang grupo.

 

 

 

 

 

 

TAGS: armed forces of the philippines, CPP-NPA, Nasugbu Batangas, new people's army, armed forces of the philippines, CPP-NPA, Nasugbu Batangas, new people's army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.