2 miyembro ng NPA, patay sa bakbakan sa Sarangani

Patay ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro na naganap sa Alabel, Sarangani.

Ayon kay Col. Roberto Ancan, commander ng 102nd Infantry Brigade, naganap ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng 73rd Infantry Battalion sa Sitio Balataan, Barangay Pag-asa, Biyernes ng umaga.

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang nasawing rebelde.

Nakakuha din ng limang armas ang mga sundalo mula sa naka-engkwentrong grupo.

 

Read more...