1 hanggang 2 bagyo, papasok sa bansa ngayong buwan
Magkakaroon ng isa hanggang sa dalawang bagyo na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan ng Disyembre.
Ayon kay PAGASA, weather specialist, Obet Badrina, maaring Visayas at Luzon ang direksyon ng dalawang bagyo pa na papasok sa bansa.
“Kadalasan ang track tumatama sa Visayas or nagre-recurve sa northeastern part. May pagkakataon na gitnang bahagi ng Luzon,” ani Badrina.
Ang tropical storm Tino ang huling bagyo na pumasok sa bansa noong Nobyembre.
Samantala, isang sama ng panahon naman ang binabantayan ng PAGASA na nasa labas pa ng PAR.
Ayon sa PAGASA, maaring sa susunod na linggo pa ito pumasok sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.