De La Salle Lipa, nakatanggap ng bomb threat

Nakatanggap ng bomb threat ang De La Salle University sa Lipa, Batangas.

Sa statement ng paaralan, natanggap ang pagbabanta sa pamamagitan ng text message alas 7:40 ng umaga.

Bilang bahagi ng protocol, agad nagsagawa ng inspeksyon sa mga gusali at palibot ng paaralan ang mga tauhan ng Institutional Safety, Security and Emergency Services Office ng unibersidad.

Ipinaalam din sa Philippine National Police (PNP) ang sitwasyon.

Matapos ang inspeksyon, idineklarang clear sa anumang banta ang paaralan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...