Dumaong sa Pier 15 ng Manila South Harbor ang isang Patrol Vessel ng Indian Coast Guard.
Ayon kay Coast Guard Spokesperson Capt. Arman Balilo, dumating ang 105-meter na off shore Shaurya sa bansa para lumahok sa bilateral exercises sa pagitan ng Philippine Coast Guard at Indian Coast Guard.
Partikular na makikibahagi ito sa search and rescue gayundin sa communication exercise na gaganapin sa Manila Bay.
Ang nabanggit na pagsasanay aniya ay inaasahang mas lalo pang magpapalakas sa kakayahan ng dalawang coast guard sa oras ng mga insidente sa karagatan.
Sinalubong ang nasabing coast guard vessel ng opisyal at tauhan ng PCG.
Tatagal sa bansa ang nasabing barko hanggang sa araw ng Martes, December 5.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.