Northern Samar at Davao Occidental magkasunod na niyanig ng lindol

By Dona Dominguez-Cargullo December 01, 2017 - 08:56 AM

Magkasunod na nakapagtala ng pagyanig sa Palapag, northern Samar at Sarangani, Davao Occidental, Biyernes ng umaga.

Alas 6:40 ng umaga, naitala ang magnitude 3.3 na lindol sa 104 kilometers north sa bayan ng Palapag sa lalawigan ng Northern Samar.

May lalim na 33 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Samantala, alas 7:54 naman ng umaga nang yanigin ng magnitude 3.0 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental.

Naitala naman ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa 27 kilometers south ng Sarangani.

Tectonic din ang origin ng lindol.

Kapwa hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang dalawang pagyanig.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Davao Occidental, earthquake, northern samar, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Davao Occidental, earthquake, northern samar, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.