Lalaki, arestado matapos mangmololestya ng menor de edad na lalaki sa Malate, Manila

By Mark Gene Makalalad December 01, 2017 - 07:55 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos mangmolestya ng menor de edad na lalaki sa Malate Maynila.

Dinakip ng mga tauhan ng Arellano Police Community Precinct na sakop ng Manila Police District Station 9 ang suspek na si Bernard Mejares, 29-anyos at nagtatrabaho bilang tagasilbi sa isang canteen.

Ayon kay Police Chief Inspector Paul Sabulao, nahuli ang suspek sa tapat ng kanyang bahay sa Tuazon St., Malate sa bisa ng warrant of arrest na inilabas pa noong 2015.

Ginalaw daw nito ang pagkalalaki ng 13 taong gulang na bata na dalawang beses na dumanas nang matinding trauma matapos ang insidente.

Mariin namang itinanggi ng suspek ang akusasyon at sinabing away-pamilya ang dahilan kung bakit sya idinidiin sa kaso.

Humihingi ng patawad ang suspek sa pamilya ng bata na malapit sa kanya at umaasa na kahit papano ay maayos ang gusot na napasok nya.

Mahaharap ngayon ang suspek sa dalawang bilang nang paglabag sa Republic Act 7610 o child abuse.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Child Abuse, manila, metro, Child Abuse, manila, metro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.