Dalawa arestado sa ilegal na loteng sa QC
Arestado ang isang lalaki matapos nitong magtangkang suhulan ang mga pulis sa Quezon City Police Station 7 sa Cubao.
Kinilala ang suspek na si Zosimo Golpo, limamput walong taong gulang at residente ng Barangay San Roque sa Cubao, Quezon City.
Nasa QCPD Station 7 si Golpo para sana pakiusapan ang mga otoridad na pakawalan na ang kaniyang empleyado na si Victor Dela Cruz, 43-taong gulang matapos itong makulong dahil sa pag-ooperate ng loteng.
Tinangkang suhulan Golpo ang mga pulis sa pamamagitan ng pag-aabot ng pera kaya ito dinampot.
Ayon kay Police Inspector Elmer Rabano, minatyagan ng mga pulis si Dela Cruz dahil nagpapataya ito ng loteng sa loob ng Farmers Market.
Aminado si Dela Cruz na dati siyang nagpapataya ng loteng pero ngayon ay STL na ang kanyang pinatatayaan.
Ayon naman kay Golpo, hindi niya sinusuhulan ang mga otoridad nang mag-abot siya ng pera.
Mahaharap si Dela Cruz sa kasong paglabag sa Republic Act 9287 o Illegal Numbers Game, habang Corruption of Public Official naman ang haharapin ni Golpo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.