Sa pag-aaral na may titulong “Unlocking Cities”, pumangatlo ang Metro Manila sa mayroong “worst traffic” sa rehiyon kung saan mayroong 66 minutes ang average ng pagkakahimpil sa traffic kada araw.
Ang Bangkok sa Thailand ang nasa unang pwesto na may pinakamalalang traffic situation at Jakarta, Indonesia naman ang ikalawa.
Nakasaad din sa pag-aaral na sa Metro Manila, umuubos ang mga driver ng average na 24 minutes bawat araw sa paghahanap ng mapaparadahan.
Ang survey ay ginawa noong Setyembre hanggang Oktubre at kinomisyon ng ride-sharing na Uber sa layong mapag-aralan ang impact ng ride-sharing sa Southeast Asia.
Maituturing namang best performers sa sitwasyon ng traffic ang Singapore at Hong Kong.
Sa parehong survey, nakasaad na maaring lumala pa ang traffic situation sa Metro Manila dahil lumitaw na 84% ng mga respondents ang nagpaplanong bumili ng sariling sasakyan sa susunod na 5 taon.