Traffic situation sa Metro Manila, ikatlo sa pinakamalala sa buong Southeast Asia

By Dona Dominguez-Cargullo December 01, 2017 - 06:57 AM

Ang Metro Manila ang ikatlo sa may pinakamalalang sitwasyon sa traffic sa Southeast Asia ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Boston Consulting Group o BGC.

Sa pag-aaral na may titulong “Unlocking Cities”, pumangatlo ang Metro Manila sa mayroong “worst traffic” sa rehiyon kung saan mayroong 66 minutes ang average ng pagkakahimpil sa traffic kada araw.

Ang Bangkok sa Thailand ang nasa unang pwesto na may pinakamalalang traffic situation at Jakarta, Indonesia naman ang ikalawa.

Nakasaad din sa pag-aaral na sa Metro Manila, umuubos ang mga driver ng average na 24 minutes bawat araw sa paghahanap ng mapaparadahan.

Ang survey ay ginawa noong Setyembre hanggang Oktubre at kinomisyon ng ride-sharing na Uber sa layong mapag-aralan ang impact ng ride-sharing sa Southeast Asia.

Maituturing namang best performers sa sitwasyon ng traffic ang Singapore at Hong Kong.

Sa parehong survey, nakasaad na maaring lumala pa ang traffic situation sa Metro Manila dahil lumitaw na 84% ng mga respondents ang nagpaplanong bumili ng sariling sasakyan sa susunod na 5 taon.

 

 

 

 

 

TAGS: 3rd worst in southeast asia, Metro Manila, traffic situation, 3rd worst in southeast asia, Metro Manila, traffic situation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.