Bagong CBCP President Abp Valles, nanawagan sa mga pari na maging mapagkumbaba

 

Sa pagsisimula ng kanyang termino ngayong araw bilang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ay may mensahe si Davao Archbishop Romulo Valles sa kaparian.

Naglabas ng kauna-unahan niyang sulat-pastoral si Valles sa pagbubukas ng bagong taon ng Simbahang Katolika ng Pilipinas na may temang “Year of the Clergy and Consecrated Persons: Renewed Servant-Leaders for the New Evangelization.”

Ayon kay Valles, ang kahinaan at mga iskandalong kinasangkutan ng ilang mga pari ay pagkakataon upang magtungo sa mapagkumbabang pagtanggap at pagsisisi.

Anya magsilbi sanang tulay ang mga kahinaang ito sa pagpapanibago at pagdamay sa mga mananampalatayang sadlak din sa kahinaan at sugatan ang kalooban.

Ang sulat pastoral ng Arsobispo ay babasahin sa lahat ng simbahan sa Linggo, December 3, na simula rin ng panahon ng Adbiyento.

Pinalitan ni Valles si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na namuno sa CBCP sa loob ng apat na taon. / Rhommel Balasbas

Excerpt: Hinimok ni Valles ang mga pari na nasadlak na kontrobersiya na mapagkumbabang tanggapin ito nang maluwag.

Read more...