Sa anunsyo ng Petron, kabilang sa mababawasan ng presyo ay ang kanilang Gasul at Fiesta gas.
Samantala, may bawas rin na P0.20 sentimos sa kada litro ng Auto LPG.
Naging epektibo ang rollback, kaninang alas-12:00 ng madaling-araw.
Paliwanag ng Petron, magkakaroon ng bahagyang paggalaw sa presyo ng international contract price ng LPG para sa buwan ng Disyembre.
Dahil sa rollback, inaasahang mababawasan ng kabuuang P4.40 centavos ang bawat 11-kilogram na tangke ng ng LPG ng Petron./Jay Dones
MOST READ
LATEST STORIES