Pakikidigma ng tropa ng Japan sa ibang bansa, pinahintulutan na

By Marilyn Montaño September 19, 2015 - 07:38 PM

AP Photo/Shuji Kajiyama
AP Photo/Shuji Kajiyama

Inaprubahan ng Japan’s Parliament ang panukalang batas na nagpa pahintulot sa kanilang tropa na makipaglaban sa ibang bansa.

Ang bagong batas ay magpapaluwag sa limitasyon ng Japanese military matapos ang World War 2.

Lusot sa upper house ang batas na magbabago sa militar na ayon sa ilang tutol dito ay paglabag sa konstitusyon at maglalagay sa bansa sa peligro ng pagkakadawit sa mga giyera na pinangungunahan ng Amerika.

Dahil sa nasabing legislation ay nagkaroon ng protesta at debate kung haharap na nga ba ang Japan sa mga hamon pang seguridad.

Kaliwat- kanan ang mga rally sa bansa lalo na nangg aprubahan ng ruling parties sa mas makapangyarihang lower house ang mga bill noong Hulyo.

Dahil sa batas ay ipagtatanggol na ng Japan ang mga kaalyado nito at makikipag-ugnayan itong mabuti sa US at ibang bansa tungkol sa usapin ng seguridad. Mas lalahok na rin ang bansa sa international peacekeeping kumpara sa dati na humanitarian missions lang.

Sinabi ni Prime Minister Shinzo Abe na kailangan ang batas para maprotektahan ang buhay ng mga tao at kanilang payapang pamumuhay.

Samantala, welcome sa Pilipinas ang bagong batas sa Japan kung saan papayagan na ang militar nito na makipag-laban sa ibang bansa sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng pitumpung taon para tumugon sa banta sa kanilang mga kaalyado.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, tanggap ng bansa ang pag-apruba sa legislation na National Security by the National Diet of Japan.

Umaasa anya ang Pilipinas sa mga hakbang na magpapalakas ng strategic partnership sa Japan at sa ibang bansa para isulong ang parehong layon na kapayapaan, stability at kaunlaran sa international community.

Sinabi naman ng Department of National Defense na ang bagong batas ay magbibigay-daan sa Japan para mas lalong maging aktibo sa pagsusulong ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

Inaprubahan ng Japan ang bagong batas sa gitna ng umiigting na tensyon sa pagitan nito at ng China sa East China Sea pati sa mga bansa sa South East Asia gaya ng Pilipinas, Vietnam at Malaysia.

Sa kasalukuyan ay may strategic partnership agreement ang Pilipinas at Japan bukod sa Amerika na layong paigtingin ang kooperasyon sa depensa at maritime security.

TAGS: Japan, japan passes bill allowing troops abroad, Japan, japan passes bill allowing troops abroad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.