Isang sa mga lider ng Abu Sayyaf timbog sa Basilan

By Rohanissa Abbas November 30, 2017 - 04:11 PM

Timbog ang isang miyembro ng Abu Sayyaf group na may patong na P1.3 Million sa lalawigan ng Basilan.

Ayon sa Western Mindanao Command, inaresto si Rahim Abdul alyas “Aman Kabalu” noong Martes sa Barangay Kampurnah sa Isabela City dakong alas-3:00 ng hapon.

Si Abdul ay sinasabing sangkot sa ilang kaso ng kidnapping at pagpatay.

Ayon kay Brig. Gen. Juvymax Uy, pinuno ng Joint Task Force Basilan, nakilala ng isang sibilyan ang suspek at kaagad itong nagsumbong sa mga otoridad.

Nagpag-alaman rin na nag-iisang naglalakad ang suspek nang siya’y ay matiyempuhan ng mga tauhan ng PNP at AFP sa lugar.

Aniya, hindi pumalag si Abdul nang arestuhin ito.

Dinala ang suspek sa Basilan Provincial Police Office kung saan siya isinailalim sa tactical interrogation.

TAGS: Abu Sayyaf, AFP, Basilan, PNP, Abu Sayyaf, AFP, Basilan, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.