Misa para kay CJ Sereno, idinaos sa UP

By Dona Dominguez-Cargullo November 30, 2017 - 12:09 PM

Inquirer Photo | Jhesset Enano

Nagdaos ng misa sa Unibersidad ng Pilipinas ang mga tagasuporta ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Dumalo din sa misa sa Parish of the Holy Sacrifice ang punong mahistrado.

Inquirer Photo | Jhesset Enano

Kabilang sa mga grupo na nagpakita ng suporta kay Sereno ang “Every Woman”, “Prayer Battalion for Truth and Justice”, “Youth Resist”, “The Coordinating Group” at ang “Alyansa ng Samahang Pantao and Manindigan Na”.

Dumalo din sa misa ang mga dating miyembro ng gabinete sa ilalim ng Aquino administration kabilang sina dating DSWD Sec. Dinky Soliman, dating Sec. Ging Deles ng OPAPP at dating DOT Sec. Ramon Jimenez.

Inquirer Photo | Jhesset Enano

Matapos ang misa, nagbigayng maiksing pahayag si Sereno.

Pinasalamatan nito ang mga taong masusing binabantayan ang mga kaganapan sa ngayon.

Inquirer Photo | Jhesset Enano

Ayon kay Sereno, ang mga nangyayari ay hindi nakasentro lamang sa kaniya kundi sangkot dito ang reporma sa hudikatura.

Sa huli, tinanong nito ang mga nagsasabi ng kasinungalingan laban sa kaniya kung nais ba nilang pigilan ang reporma?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Maria Lourdes Sereno, mass for sereno, University of the Philippines, Maria Lourdes Sereno, mass for sereno, University of the Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.