Mga miyembro ng NPA hindi kakasuhan ng rebelyon – Duterte

By Chona Yu November 30, 2017 - 11:23 AM

Presidential Photo

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na sampahan ng kasong rebelyon ang mga lider at iba pang miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ayon sa pangulo, nababagay lamang kasi ang kasong rebelyon sa mga taong may ipinaglalabang prinsipyo para sa bayan.

“There will be no filing of cases under the public security like rebellion because rebellion is considered sometimes a noble undertaking, it’s only because you want your country to do better,” ayon sa pangulo.

Sa ngayon sinabi ng pangulo na inihahanda na o binabalangkas na ng palasyo ang isang executive order na magdedeklara terorista ang NPA.

Kapag nailabas na ang EO, sinabi ng pangulo na tatratuhin na bilang ordinaryong mga kriminal o terorista ang NPA.

“They are preparing the executive order declaring them to be terrorists and they will be afforded the treatment of being criminals,” dagdag pa ng pangulo.

 

 

 

 

 

 

TAGS: new people's army, Rodrigo Duterte, new people's army, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.