Mayor Sara Duterte, nanguna sa selebrasyon ng Bonifacio Day sa Davao

Pinangunahan ni Davao City Mayor Sara Duterte sa selebrasyon ng ika-154 kaarawan ni Andres Bonifacio sa lungsod.

Nag-alay ng mga bulaklak si Duterte at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan sa monumento ni Bonifacio sa Magallanes Rotunda sa Davao City.

Matapos ito, nagbigay ang alkalde ng kaniyang maiksing talumpati.

Bukod kay Mayor Sara Duterte, lumahok din sa maikling programa ang mga miyembro ng Knights of Rizal, Knights of Columbus, Philippine Veterans at iba pang civic at non-government organizations mula sa iba’t ibang parte ng Davao.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...