Pangulong Duterte hindi dumalo sa Bonifacio Day celebration

Inquirer Photo | Krixia Subingsubing

Hindi dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga selebrasyon ng Bonifacio Day ngayong araw.

Sa Monumento sa Caloocan, sina Vice Pres. Leni Robredo at Defense Sec. Delfin Lorenzana ang nanguna sa seremonya sa Bonifacio National Shrine.

Present din sa pagdiriwang sina Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Rey Leonardo Guerrero at Caloocan City Mayor Oscar Malapitan.

Kahapon, nagbigay ng abiso ang Philippine News Agency hinggil sa mga aktibidad na magaganap ngayong araw sa paggunita ng ika-154 na kaarawan ni Bonifacio.

Sa nasabing abiso, si Pangulong Rodrigo Duterte ang inimbitahang guest of honor para sa aktibidad sa Monumento Caloocan.

Pero ngayong araw, walang ipinadalang abiso sa mga Malacanang Press Corps tungkol sa schedule ng pangulo.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...