Paliparan sa Bali, Indonesia, bukas na matapos maapektuhan ng pagputok ng Mount Agung
Binuksan na muli ang paliparan sa Bali, Indonesia na ilang araw ding isinara makaraang maapektuhan ng pagputok ng Mount Agung volcano.
Ang international airport sa Bali ay second busiest airport sa Indonesia at 60 kilometers lang ang layo sa bulkan.
Dahil sa pagsasara ng paliparan, maraming turista ang naantala ang biyahe.
Samantala, patuloy naman ang apela ni Indonesian President Joko Widodo sa mga residente na lumayo sa danger zone sa palibot ng bulkan.
Sa ngayong umabot na sa 43,000 na katao pa lamang ang kusang lumikas gayung nasa 90,000 hanggang 100,000 katao ang naninirahan sa danger zone.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.