Ginawa ni Gat Andres Bonifacio, dapat tularan ng mga Pinoy – Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo November 30, 2017 - 06:58 AM

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Filipino na tularan ang ginawa ni Gat Andres Bonifacio.

Sa mensahe ng pangulo sa ika-154 kaarawan ni Bonifacio, sinabi nitong ang bayani ang nagpainit noon sa rebolusyon na nagbunsod sa kalayaan ng bansa.

Ayon sa pangulo, dahil tayong lahat ay nakinabang sa rebolusyon, dapat aniyang isabuhay ng bawat Pinoy ang kadakilaan ni Bonifacio.

Sa panahong ito, sinabi ng pangulo na kabilang sa mga dapat labanan ng mga PInoy ay ang korapsyon, krimen, ilegal na droga, terorismo at iba pang kaguluhan sa bansa.

 

 

 

 

 

TAGS: Bonifacio Day, duterte, gat andres bonifacio, Rodrigo Duterte, Bonifacio Day, duterte, gat andres bonifacio, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.