Total closure sa Monumento circle, tatagal hanggang mamayang gabi

By Dona Dominguez-Cargullo November 30, 2017 - 06:32 AM

MMDA Photo

Maghapong sarado sa daloy ng traffic ang Monumento Circle para sa selebrasyon ng Bonifacio Day.

Simula pa kahapon ay nagpatupad na ng partial closure sa bahagi ng Monumento para mabigyang-daan ang paglalagay ng stage para sa selebrasyon.

Ngayong araw, tatagal ang total closure hanggang alas 9:00 ng gabi.

Kabilang sa mga apektado ang mga sumusunod:

  • Rizal Avenue Extension mula sa 9th Avenue
  • Samson Road mula sa Sangandaan
  • EDSA mula sa B. Serrano
  • At ang McArthur Hiway mula sa Caimito Road

Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan na ang lugar para hindi maabala.

Ipinagdiriwang ngayong araw ang ika-154 na birth anniversary ni Gat Andres Bonifacio.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: mmda, Monumento Circle, mmda, Monumento Circle

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.