2 human rights advocates, patay sa pananambang sa Negros Oriental

 

Patay ang dalawang miyembro ng human rights group habang sugatan naman ang isa pa habang sila ay nasa isang fact-finding mission sa Negros Oriental.

Kinilala ang mga biktima na si Elisa Badayos na Negros Oriental coordinator ng grupong Karapatan, at Elioterio Moises na miyembro naman ng Mantapi Ebwan Farmers Association.

Sina Badayos at Moises ay pinagbabaril ng mga hindi nakilalang armadong kalalakihan sa Barangay Nangka, sa Bayawan City.

Samantala, nasugatan naman sa pag-atake ang Cebu coordinator ng Kabataan party-list Cebu na si Carmen Matarlo dahil sa pag-atake.

Ayon kay SPO2 Archer Birjes ng Bayawan police station, ang mga biktima ay nakasakay sa habal-habal nang bigla silang paputukan ng hindi bababa sa dalawang suspek, hapon ng Martes.

Isinugod sila sa Bayawan District Hospital kung saan idineklarang patay ng mga doktror sina Badayos at Moises, habang inilipat naman kalaunan sa Dumaguete sina Matarlo.

Narekober naman sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. .45 na baril.

Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan ng mga suspek, pati naang motibo sa pag-atake.

Read more...