Trump, binatikos dahil sa pag-retweet ng mga anti-Muslim hate video

By Jay Dones November 30, 2017 - 01:26 AM

 

Umaani ng negatibong reaksyon mula sa mga ordinaryong mamamayan at maging sa ilang mga lider ang pag-retweet ni US President Donald Trump ng mga anti-Muslim video sa Twitter.

Ang naturang mga video na mula umano sa lider ng isang far-right British party ay nagpapakita ng karahasan ng isang grupo umano ng mga Muslim sa ilang kabataan hanggang sa ito’y mamatay.

Ang isa pa sa mga video ay kakikitaan rin ng pagsira sa mga rebulto ng mga Kristiyano.

Mula umano sa lider ng isang anti-immigrant Britain First group ang mga video na una nang naaresto noong Setyembre dahil sa pagpapakalat ng mga anti-Muslim paraphernalia.

Dahil naman sa pag-retweet ni Trump sa mga ‘hate videos’ maraming mga netizens ang bumatikos sa pangulo ng Amerika.

Kabilang na dito si British Prime Minister Theresa May.

Ayon sa statement mula sa tagapagsalita ni Prime Minister, mali ang ginawang ito ni Trump.

Ilang miyembro rin ng British Parliament ang bumatikos sa naging hakbang ni Trump.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.