NBC news anchor Matt Lauer, sinibak dahil sa alegasyon ng sexual misconduct

By Rod Lagusad November 29, 2017 - 11:29 PM

 

Tinanggal ng NBC ang leading morning news anchor nito na si Matt Lauer dahil sa mga alegasyon ng sexual harrassment.

Ayon sa inilabas na memo ni NBC News President Andrew Lack, nakatanggap sila ng detalyadong reklamo mula sa isang colleague tungkol sa inappropriate sexual behavior ni Lauer.

Aniya, matapos ang seryosong pag-review sa alegasyon kay Lauer ay kanilang nakita ang paglabag nito sa standards ng kumpanya.

Dahil dito ay kanilang napagpasiyahan na tanggalin na si Lauer.

Inanunsiyo ng co-host ni Lauer na si Savannah Guthrie sa “Today” ang nasabing balita.

Ayon kay Guthrie silang lahat ay heartbroken sa naturang balita.

Ang naging pasya ng NBC ay kumakatawan sa ilang halimbawa ng pre-emptive action kaugnay ng mga sexual harassment complaints bago pa maisapubliko ang mga naturang alegasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.