Kongresista sinabon dahil sa alanganing tanong kay Justice De Castro
Sinermonan ng kanyang mga kapwa mambabatas si Siquijor Rep. Rav Rocamora sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House justice committee ukol sa impeachment complaint na kinakaharap ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas “irrelevant” ang katanungan ni Rocamora sa tinatalakay nilang alegasyon ni laban kay Sereno.
Dapat ayon kay Fariñas na hindi nagtatanong ng personal at irespeto si De Castro.
Sinabi naman ni House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali ka kailangang iwasan ang pagiging “argumentative” at magtanong ng pauli-ulit.
Ito ay kaugnay sa tanong ni Rocamora kay Associate Justice Teresita De Castro patungkol sa kung ano ang naramdaman nito nang italaga ni dating Pangulong Benigno Aquino III si Sereno bilang kapalit ni dating Chief Justice Renato Corona.
Sinagot naman ni De Castro ang katanungan ni Rocamora at sinabing wala siyang magagawa sa pagkakatalaga kay Sereno bilang chief justice.
Hindi rin anya kailangang pinaiiral ang pagiging emosyunal sapagkat ito raw ang kailangan sa linya ng kanyang trabaho.
Wala rin anyang karapatan na maging mahistrado ang isang indibidwal kung mas pinaiiral daw nito ang sariling emosyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.