De Lima “prisoner of conscience” ayon sa Malacañang
Tiyak na hindi batid ni Pope Francis ang totoong pagkatao ni Senador Leila De Lima.
Pahayag ito ng Malacañang matapos sumulat si De Lima sa Santo Papa para hilingin na basbasan siya dahil sa mga pahirap na dinaranas niya sa ilalim ng Duterte administration.
Bilang tugon, binigyan ng Santo Papa ng rosaryo si de Lima.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaring hindi alam ni Pope Francis na isang prisoner of conscience si De Lima.
“That Pope does not know true nature of de limas character “He thinks that De Lima is not a prisoner of conscience,” ayon pa kay Roque.
Nakakulong ngayon ang Senadora sa PNP Custodial Center matapos masangkot sa operasyon ng ilegal na droga sa New Bilibid Prisons.
Una rito, pabirong sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na gusto niyang ipakita ang sex video ni De Lima sa Santo Papa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.