Acceleration and Inclusion o TRAIN.
Sa pagdalo sa committee hearing sa Senado, sinabi ni Laban Konsyumer President Mario Dimagiba, may mga probisyon silang nakita sa TRAIN sa bersyon ng Senado na wala sa inaprubahang bersyon ng Kamara na labag umano sa Saligang Batas.
Paliwanag ni Dimagiba, anuman aniyang batas sa pagbubuwis ay dapat mangagaling sa Kamara.
Tinukoy nito ang probisyon na magpapahintulot para itaas ang coal taxes na magiging daan para tumaas rin ang singil sa kuryente.
Babala ni Dimagiba, hindi lang presyo ng kuryente ang tataas dahil may epekto ito sa presyo ng mga pangunahing bilihin maging ang presyo ng semento.
Paliwanag ni Dimagiba, uling rin ang ginagamit ng mga pabrika ng semento.