5-taong gulang na bata nahulog sa hagdan ng NAIA

By Angellic Jordan November 29, 2017 - 03:37 PM

Inquirer file photo

Nahulog ang isang limang taong gulang na Malaysian National mula sa isang hagdanan sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), nalaglag ang batang lalaki na si Muhammad Alif Bin Azizan sa arrival east concourse bandang 8:22 ng umaga.

Pasahero ang biktima ng flight PR 662 patungong Jeddah.

Agad naman anilang rumesponde ang mga medical personnel ng ramp clinic nang makita ang umiiyak na bata.

Nagtamo ng slight physicial injuries ang bata kung saan nagkaroon ng hiwa sa bahagi ng kaniyang ibaba at ibabaw na labi at galos sa noo at baba.

Matapos bigyan ng paunang-lunas, inilipat ang biktima sa San Juan de Dios Hospital kasama ang kaniyang ama bandang 8:51 ng umaga.

Inaalam na ngayon ng mga tauhan ng Manina International Airport Authority ang dahilan ng aksidente.

TAGS: accident, Malaysian, NAIA, terminal 1, accident, Malaysian, NAIA, terminal 1

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.