PISTON binalaan ng DOTr sa ilulunsad na na tigil-pasada sa susunod na linggo

By Jan Escosio November 29, 2017 - 12:50 PM

Radyo Inquirer File Photo

Hindi pa nangyayari ang binabalak na dalawang araw na tigil pasada simula sa Lunes, binalaan na ni Transportation Sec. Arthur Tugade na babawian ng prangkisa ang lahat ng mga jeepney na lalahok sa kilos protesta.

Paalaa ni Tugade, na kaakibat ng mga prangkisa na ibinigay sa mga drivers at operators ang kanilang responsibilidad sa publiko.

Sinabi ng kalihim na inatasan na niya ang LTFRB at LTO na agad kumilos para sa kanselasyon ng lisensiya at prangkisa ng mga miyembro ng PISTON na lalahok sa panibagong transport holiday.

Banggit pa ni Tugade, suportado sila ng publiko sa isinusulong nilang public utility vehicle modernization program.

Ayon pa kay Tugade, ilang beses na nilang inimbitahan ang PISTON na lumahok sa mga diyalogo ukol sa planong phase-out ng mga jeepney.

Una nang sinabi ng PISTON na muli silang maglulunsad ng dalawang araw na tigil pasada sa Dec. 4 at 5.

 

 

 

 

 

 

TAGS: December 4 and 5, Jeepney Phase out, PISTON, tigil pasada, transport strike, December 4 and 5, Jeepney Phase out, PISTON, tigil pasada, transport strike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.