1 sugatan sa banggaan ng dalawang sasakyan sa Davao City

By Mariel Cruz November 29, 2017 - 12:30 PM

Sugatan ang isang lalaki matapos magbanggaan ang dalawang sasakyan sa Davao City.

Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima na nakilalang si John Anthony Lao ang kanyang pick-up nang bumangga sa isang SUV.

Naganap ang insidente sa kahabaan ng Mc Arthur Highway.

Sugat sa ulo ang tinamo ni Lao pero himala naman na walang galos ang driver ng SUV na nakilalang si Valeriano Pasquil.

Dahil sa lakas ng impact, wasak na wasak ang harapan na bahagi ng pick-up ni Lao at halos matanggal na ang gulong nito.

Sirang-sira din ang harapan ng SUV at natanggal pa ng bumper dahil sa lakas ng pagkakabangga.

Nagdulot naman ng pagsikip ng daloy ng trapiko ang aksidente dahil nakaharang sa gitna ng kalsada ang dalawang sasakyan.

Ngayon ay sinimulan na ng mga otoridad ang imbestigasyon sa nasabing insidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 2 injured, accident, Davao City, 2 injured, accident, Davao City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.