Habang isinasagawa ang impeachment hearing laban sa kaniya sa kamara, abala si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pagdalo sa pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng Constitutional First Autonomy Group (CFAG) sa Parañaque City.
Kasama ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na dumalo sa nasabing forum sina Ombudsman Conchita Carpio-Morales at Commission on Human Rights (CHR) Chairman Chito Gascon.
Sa anibersaryo na sinabayan ng pagdaraos ng isang forum, tinalakay ni Sereno ang rule of law at democratic institutions.
Ang speech ni Sereno tungkol sa rule of law ay kasabay ng pagtestigo naman ng kaniyang kasamahang mahistrado na si Associate Justice Teresita De Castro sa impeachment hearing sa house justice committee.
Samantala sa nasabing forum na may titulong “Katapatan, Karapatan, Katarungan at Karangalan” tinalakay naman ni Morales ang independence at sistema ng checks and balances.
Habang si Gascon ay tinalakay ang karapatang pantao.
Sina Morales at Gascon ay kapwa kilala ring kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.