Pia Wurtzbach, kinondena ang pagsasapubliko ng PDEA sa pangalan at HIV status ng naaresto sa drug bust sa Taguig City

By Mariel Cruz November 29, 2017 - 11:50 AM

IG Photo

Kinondena ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang ginawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na pagsasapubliko sa pangalan at larawan ng labing isang naaresto sa drug buy bust operation sa isang five-star hotel sa Taguig City.

Bukod pa dito, binanggit pa ng PDEA na ang isa sa mga suspek ay HIV positive na mas lalong ikinagalit ni Pia.

Sa kanyang Instagram account, inilabas ni Pia ang kanyang hinaing sa nasabing isyu.

Naiintindihan niya aniya na mali at iligal ang ginawa ng mga ito, at nararapat lamang na harapin nila ang parusa.

Pero hindi aniya tama na ipahiya pa sa publiko ang mga naaresto.

Sinabi ni Pia na paglabag sa Republic Act 8504 o Philippine AIDS Prevention and Control Act of 1998 ang pag-aanunsyo sa HIV status ng isang tao.

Sa ginawa aniya ng PDEA, hindi lamang ito magdudulot ng trauma sa mga sangkot, kundi palalalain pa nito ang sitwasyon ng HIV sa Pilipinas.

Bukod dito, iginiit din ni Pia na hindi immoral ang pagiging “bakla” at hindi dapat ituring na kaparusahan ang HIV.

Isa sa mga adbokasiya ni Pia nang siya ay makoronahan bilang Miss Universe noong 2015 ay ang HIV/AIDS awareness kung saan sinabi niya na gagamitin niya ang kanyang boses para tugunan ang nasabing isyu.

 

 

 

 

 

 

TAGS: HIV awareness, PDEA, Pia Wurtzbach, Taguig Drug bust, HIV awareness, PDEA, Pia Wurtzbach, Taguig Drug bust

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.