WATCH: Dalawang suspek sa pagnanakaw ng motorsiklo patay matapos manlaban sa mga pulis

Kuha ni Mark Makalalad

Patay ang dalawang lalaki matapos umanong magnakaw ng motor at manlaban sa mga otoridad sa 11th Road cor. Harmony street, Brgy. Balingasa, Quezon City.

Natukoy ang isa sa mga suspek na si Emmanuel Melugrito habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kanyang kasamahan.

Ayon sa biktima na si Alejandro Dapadap, alas-10:45 Martes ng gabi makaraan niyang kumain sa fast food sa Welcome Rotonda ay napansin nya na lamang na nawawala na ang motor nya.

Agad nya itong iniulat sa mga pulis na agad ding naaksyunan sa pamamagitan ng ikinasang Dragnet Operation.

Narito ang ulat ni Mark Makalalad:


 

 

 

 

 

 

 

Read more...