WATCH: MMDA, muling nagsagawa ng clearing operations sa Baclaran

Kuha ni Jomar Piquero

Nagsagawa muli ng clearing operations ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Baclaran.

Sinimulan ang clearing operations sa Taft Avenue diretso hanggang sa Baclaran Church.

Ang mga payong at tolda ng mga vendor na umabot na sa pedestrian lane at sa daanan ng mga motorista ay pinabaklas ng MMDA.

Hindi naman pinaalis ang mga nagtitinda sa sidewalk basta’t hindi sila lalagpas sa itinalagang Christmas lane.

Ayon sa MMDA, papayagan ang mga vendor sa Christmas lane hanggang sa matapos ang holiday season.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...