Mga miyembro ng NPA, hinimok na sumuko kasunod ng madugong engkwentro sa Nasugbu, Batangas

By Cyrille Cupino November 29, 2017 - 07:20 AM

Hinimok ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga miyembro ng rebeldeng grupong New People’s Army na sumuko na kasunod ng madugong engkwentro sa Nasugbu, Batangas na ikinasawi ng 14 na NPA.

Ayon kay Major Gen. Rhoderick Parayno, commander ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army, tutulungan ng militar ang mga susukong NPA na makapag-bagong buhay at makapagsimula muli.

Sinabi ni Parayno na pagkakataon na ito na magbalik sa normal ang buhay ng mga rebelde, at maging produktibong miyembro ng lipunan.

Pero, kung hindi pa rin umano susuko ang mga ito, wala silang magagawa kundi ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa mga rebelde na ngayon ay kinukunsidera na bilang teroristang grupo, at maaring mangyari rin sa kanila ang kinahantungan ng 14 na nasawi sa Batangas kagabi.

Matatandaang lima ang napatay at dalawa ang sugatang rebelde sa Sitio Pinamuntasan, Brgy. Aga, habang 9 naman ang napatay sa engkwentro sa Sitio Batulao, Brgy. Kaylaway matapos nilang paputukan ang mga miyembro ng 730th Combat Group ng Philippine Air Force na rumesponde sa lugar.

Lima naman ang nasugatan sa panig ng gubyerno sa nasabing engkwentro.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Nasugbu Batangas, new people's army, Radyo Inquirer, Nasugbu Batangas, new people's army, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.