Plant boxes sa Buendia – Roxas Boulevard inararo ng taxi

Inararo ng isang taxi ang mga plant box sa Buendia Avenue – Roxas Boulevard flyover, Miyerkules ng madaling araw.

Dahil sa nasabing insidente, isinara pansamantala sa daloy ng traffic ang flyover.

Wasak na wasak ang unahang bahagi ng taxi na may palakang UVD 265 dahilan para hindi agad ito maialis sa lugar.

Sa lakas ng pagbangga ng taxi, tinamaan pa ng debris mula sa mga plant box ang isa pang taxi na bumabagtas sa kabilang linya na may plakang UVR 381.

Kumalat din ang mga nabasag na plant box sa magkabilang bahagi ng kalsada.

 

 

 

 

Read more...