Muli na namang naglunsad ng ballistic missile ang North Korea ayon sa isang South Korean news agency na Yonhap.
Ayon sa South Korean Joint Chiefs of Staff, lumipad ang missile papunta sa silangang direksyon.
Sa ngayon ay inaanalisa pa ng South Korean military at Estados Unidos ang detalye ng missile launch.
Nauna namang sinabi ng dalawang US government sources na pinaniniwalaan ng pamahalaan ng Estados Unidos na posibleng maglunsad ang NoKor ng panibagong missile test launch matapos nitong paliparin ang isang missile sa air space ng Japan noong Setyembre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.