Lalaking nagwawala, napatay ng rumespundeng pulis sa Vigan

By Justinne Punsalang November 29, 2017 - 03:13 AM

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong mabaril ng rumespunde at umaawat na pulis sa Vigan City, Ilocos Sur.

Kinilala ang lalaking si Randy Fabrigas, tatlumput isang taong gulang.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, pumunta si Fabrigas sa isang tindahan para umutang ng alak. Nang malamang walang tindang alak ay nagalit at nagwala si Fabrigas.

Bumalik pa umano si Fabrigas sa kanyang bahay para kumuha ng itak.

Dito na umawat ang naka-day off na si PO1 Jefferson Ardiosa ngunit siya naman ang pinagbalingan ng galit ni Fabrigas.

Natumba si Ardiosa at nagtangka si Fabrigas na tagain ito, kaya bumunot na ng baril ang pulis at binaril ito sa ulo at balikat gamit ang kanyang service firearm.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Vigan City Police tungkol sa insidente. Samantala, desidido ang live in partner ni Fabrigas na kasuhan si Ardiosa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.