Itinuturing ni Pangulong Rodrigo Duterte na “very extreme measure” ang pagpapatupad ng revolutionary government (RevGov), at na gagawin lang niya ito sakaling nasa matinding panganib na ng pagkaka-buwag ang pamahalaan.
Ayon sa pangulo, oras na magpatupad siya ng diktadurya at mag-overstay siya sa kaniyang panunungkulan, alam niyang patatalsikin siya ng militar sa pamamagitan ng coup d’etat o mutiny.
Dagdag pa ni Duterte, ang pagtatatag ng revolutionary government ay parang paghahanap ng sakit ng ulo.
Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang “factual or legal basis” si Pangulong Duterte para magdeklara ng RevGov kahit pa pilitin siya ng kaniyang mga taga-suporta sa buong bansa.
Wala naman aniya kasi silang nakikitang “credible or imminent threat” na maaring maging basehan ng pangulo para gawin ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.