Ayon sa militar, limang miyembro ng rebeldeng grupo ang napatay, habang dalawa ang sugatan sa Sitio Pinamuntasan sa Barangay Aga.
Siyam naman na miyembro ng NPA ang napatay sa isa pang engkwentro sa Sitio Batulao sa Barangay Kaylaway.
Dalawa mula sa panig ng pamahalaan ang sugatan matapos ang dalawang sagupaan na nagresulta sa pagkakarekober ng 7 high-powered na mga armas at abala.
Ayon sa mga otoridad, rumespunde ang 730th Combat Group ng Air Force at Nasugbu Municipal Police sa dalawang lugar matapos makatanggap ng impormasyon na mayroong mga armadong kalalakihan dito.
Pagdating ng mga tropa ng gobyerno ay agad silang pinaputukan ng rebeldeng grupo kaya napilitang gumanti ng putok ang militar at pulis.