160 barangay sa Central Visayas, idineklarang drug-free

By Justinne Punsalang November 29, 2017 - 02:53 AM

160 sa 2,446 na mga barangay sa Central Visayas ang idineklarang drug-free ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug-free Clearance.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 7 regional director Emerson Margate, metikulosong proseso ang pagdedeklara na drug-free sa isang barangay, lungsod o bayan, o probinsya.

Ani Margate, may 14 na indicators na kailangang isa-isahin ng oversight committee para maideklara ang isang lugar na drug-free.

Paglilinaw ni Margate, ilan sa mga pamantayan para maging drug-free ang isang komunidad ay kung wala itong supply ng iligal na droga, at walang tulak o gumagamit ng droga. Dapat din na mayroong aktibong anti-drug campaign programs ang mga lokal na pamahalaan, community-based rehabilitation o treatment center, education awareness programs, at pagkakaroon ng lokal na ordinansa laban sa iligal na droga.

Mahalaga rin ang pagkakaroon ng Anti-Drug Abuse Councils (ADACs) ang mga komunidad dahil ani Margate, ito ang ‘first line of defense’ sa kampanya laban sa iligal na droga.

Ayon pa dito, malaking tulong ang pagsugpo sa iligal na droga sa pagbaba ng bilang ng mga krimen at pagkakaroon ng peace and order sa mga komunidad.

Malugod namang tinanggap ni Margate ang posibleng pagbabalik ng Philippine National Police (PNP) sa drug war dahil aniya, maliit na organisasyon lamang ang PDEA at hindi sapat ang kanilang bilang para masugpo ang lahat ng nasa likod ng sindikato ng droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.