Procurement law, nais paamyendahan ni Pangulong Duterte

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kamara na amyendahan ang procurement law.

Nais ni Duterte na ipatanggal ang probisyon na pinapipili sa mga ahensya ng gobyerno ang pinakamababang bidder sa procurement process.

Sa kanyang talumpati sa Anti-Corruption Summit ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), sinabi ni Duterte na pinalalala ng ganitong sistema ang katiwalian, at mga sindikato ang mga nagbi-bid.

Tinuligsa rin ng pangulo ang red tape na nagdudulot ng mabagal na proseso ng pag-apruba at pagbasura sa business permits.

Aniya, nasa oras dapat ang pag-apruba o pagbasura sa permits at huwag nang pahirapan ang tao.

Batay sa Government Procurement Reform Act, kinakailangang mapunta sa lowest bidder ang government contracts.

Read more...