Tricycle driver, patay matapos pagbabarilin sa South Cotabato

Dead on the spot ang isang tricycle driver matapos itong walang habas na pagbabarilin sa Barangay Crossing Palkan sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.

Kinilala ang biktimang si Conrad Abay-abay na ihahatid lang sana ang mga kamag-anak sa sabungan sa Polomolok Sports Complex.

Sugatan din sa pamamaril ang mga kasama ni Abay-abay na sina Alberto Jr. na bayaw ng biktima, Alex Podinao na amain ng biktima, at Bebot Escobio na isa namang kapitbahay.

Batay sa paunang imbestiasyon ng Polomolok Police Station, sinundan ng tatlong hindi pa nakikilalang nakamotorsiklong mga salarin ang tricycle na minamaneho ng biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa pamamaslang. Isa sa kanilang tinitingnang motibo ang alitan ng pamilya Abay-abay sa lupa.

Read more...