Posibleng tumaas ang singil sa kuryente kung tuluyan nang magiging batas ang ipinasang tax reform bill sa Senado.
Sa ilalim ng naturang panukala ay magkakaroon ng karagdagang ipapataw na buwis sa coal.
Ayon sa Department of Energy (DOE) at Energy Regulation Commission (ERC), direktang maapektuhan ang mga pangkaraniwang konsumer at electric industry dahil sa posibleng pagpapataw ng karagdagang buwis sa coal.
Ito umano ay dahil nanggagaling sa coal-fired power plants ang kuryenteng kinukuha ng mga kooperatiba.
Sa pagsisimula ng 2018, magiging P100 hanggang P300 mula sa kasalukuyang P10 na buwis ipapataw dito kada metriko tonelada, na maaaring magdulot ng dagdag singil sa Meralco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.