Kamara excited sa pasabog ni Justice De Castro sa Sereno impeachment hearing
Itinuturing ng House Justice Committee na “most explosive” ang sasabihin ni Supreme Court Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro sa pagdinig ng komite.
Ayon kay Rep. Reynaldo Umali, pinuno ng komite na susulitin nila ang pagkakataon na makadalo si De Castro at iba pang mga justices sa pagdinig kaugnay sa determination of probable sa impeacment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Bukod pa rito ang iba pang opisyal ng Supreme Court.
Aminado si Umali na baka kulang ang isang araw sa pagtatanong pa lamang nila kay Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro.
Tiniyak naman ng opisyal na irerespeto nila sina De Castro lalo pa at miyembro rin ang mga ito ng co-equal branch nila sa gobyerno.
Sa mga nakalipas na pagdinig ilang ulit na idinawit ni Gadon ang pangalan ni De Castro sa kanyang mga alegasyon laban sa punong hukom.
Bukod kay De Castro, kabilang sa inimbitahan ng komite ni Umali sina Associate Justices AJ Francis Jardeleza, AJ Noel Tijam, Court Administrator Jose Midas Marquez, Supreme Court Spokesperson Atty. Theodore Te at S.C Clerk of Court Atty. Felipa Anama.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.