PDEA nananatiling nakatutok sa war on drugs ayon sa Malacañang
Humihirit ang Malacañang na bigyan muna ng sapat na panahon si Pangulong Rodrigo Duterte para pag-aralan kung ibabalik pa sa Philippine National Police ang operasyon kontra sa ilegal na droga.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa ngayon ayaw niya munang pangunahan ang pangulo.
Mas makabubuti aniyang hintayin na muna ang magiging pinal na desisyon ng punong ehekutibo at makunsulta ang kanyang legal team at iba pang advisers.
Una rito, sinabi ng pangulo na hindi siya mag-aatubili na ibalik sa PNP ang anti-drug operation kapag hindi siya nakuntento sa trabaho ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Habang wala pa aniyang papel para muling ibalik sa PNP ang war on drugs campaign, sinabi ni Roque na nananatili sa PDEA ang kapangyarihang makapagsagawa ng operasyon kontra iligal na droga sa lahat ng bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.