Mga Senador pinayuhan na huwag makialam sa Kamara sa Sereno impeachment
Pinatatahimik ni House Justice Committee Chairman at Mindoro Rep. Reynaldo Umali ang mga Senador sa tila pagpuna sa impeachment proceedings sa Kamara.
Sinabi ni Umali sa pagdinig sa determination of probable cause sa impeachment complaint na laban lay Chief Justice Maria Lourdes Sereno na dapat maghintay ang mga Senador sa kanilang panahon na tumayong senator-judges.
Gayunman, ito anya ay kung tuluyang maiiakyat ng Kamara sa Senado ang reklamong impeachment kay Sereno.
Ang pahayag ay ginawa ni Umali kasunod ng sinabi nina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Sen. Francis Escudero na wala silang kapangyarihan na magpalabas ng subpoena o arrest order laban kay Sereno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.